Suunto Traverse Alpha patuloy na sinusukat ang tiyak na pressure ng hangin gamit ang naka-built in na sensor ng pressure. Batay sa sukat na ito at sa mga sangguniang value, kinakalkula nito ang altitude o pressure ng hangin sa sea level.
May tatlong profile na available: Automatic (Awtomatiko), Altimeter (Altimeter) at Barometer (Barometer). Para sa impormasyon sa pagtatakda ng mga profile, tingnan ang Pagtutugma ng profile sa aktibidad.
Upang tingnan ang impormasyon sa alti-baro, pindutin ang
habang nasa display ng oras o i-activate ang alti-baro display mula sa menu sa display.Maaari kang magpalipat-lipat sa iba't ibang view sa pamamagitan ng pagpindot sa
.Sa altimeter na profile, maaari mong makita ang:
Sa barometer na profile, makukuha mo ang mga naaayong view:
Available ang mga view ng oras ng pagsikat at paglubog ng araw kapag na-activate ang GPS. Kung hindi aktibo ang GPS, ibinabatay ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw sa huling na-record na GPS data.
Maaari mong ipakita/itago ang alti-baro display sa ilalim ng start menu.
Upang itago ang alti-baro display:
Ulitin ang proseso at piliin ang Alti-Baro (Alti-Baro) upang ipakitang muli ang display.
Kung suot mo ang iyong Suunto Traverse Alpha sa iyong galang-galangan, kakailanganin mo itong tanggalin upang makakuha ng tumpak na resulta ng temperatura dahil maaapektuhan ng temperatura ng iyong katawan ang unang resulta.
Kung may ginagawa kang aktibidad sa labas na nangangailangan ng tumpak na air pressure o altitude ng sea level, kakailanganin mo munang i-calibrate ang iyong Suunto Traverse Alpha sa pamamagitan ng paglalagay ng alinman sa kasalukuyan mong altitude o sa kasalukuyang air pressure sa sea level.
Ang eksaktong air pressure at nalalamang batayan ng altitude = air pressure sa sea level. Ang eksaktong air pressure at nalalamang air pressure sa sea level = altitude.
Maaaring makita ang altitude ng iyong lokasyon sa karamihan ng mga topographic na mapa o sa Google Earth. Ang batayang sea level air pressure para sa iyong lokasyon ay matatagpuan gamit ang mga website ng mga national weather service.
Panatilihing walang dumi at buhangin sa paligid ng sensor. Huwag kailanman magpasok ng anumang bagay sa mga bukana ng sensor.
Kung naka-activate ang FusedAlti (FusedAlti), ang reading ng altitude ay awtomatikong itatama gamit ang FusedAlti (FusedAlti) kasama ng pag-calibrate ng altitude at pressure sa sea level. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang FusedAlti.
Ang mga pagbabago sa mga kondisyon ng lokal na lagay ng panahon ay nakakaapekto sa mga reading ng altitude. Kung madalas magbago ang lokal na lagay ng panahon, ipinapayong i-reset nang madalas ang kasalukuyang batayang value ng altitude, mas mainam na bago pa man simulan ang iyong paglakbay kapag available na ang mga batayang value. Hangga't nananatiling walang pagbabago ang lokal na lagay ng panahon, hindi mo kailangang i-set ang mga batayang value.
Upang i-set ang batayang value ng pressure sa sea level at altitude:
Kapag hindi nagre-record ng isang aktibidad, pindutin ang ALTI-BARO (ALTI-BARO).
sa display na alti-baro upang direktang makapunta sa menu ngNasa pangalawang araw ka ng iyong dalawang araw na hike. Natuklasan mong nakalimutan mong baguhin ang barometer na profile tungo sa altimeter na profile nang magsimula kang gumalaw noong umaga. Alam mong mali ang kasalukuyang mga reading ng altitude ng iyong Suunto Traverse Alpha.
Kaya, nag-hike ka sa pinakamalapit na lokasyong ipinapakita sa iyong topographic na mapa kung saan ibinibigay ang batayang value ng altitude. Itatama mo ang batayang value ng altitude ng iyong Suunto Traverse Alpha nang naaayon at lumipat sa altimeter na profile. Tamang muli ang mga reading ng iyong altitude.
Dapat piliin ang profile ng altimeter kapag may kasamang mga pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (gaya ng pagha-hike sa mga kabundukan).
Dapat piliin ang profile na barometer kung walang kasamang pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (gaya ng canoeing).
Para makuha ang mga tamang reading, kailangang mong itugma ang profile sa iyong aktibidad. Maaari mong hayaan ang Suunto Traverse Alpha na magpasiya sa naaangkop na profile para sa aktibidad gamit ang awtomatikong profile, o ikaw mismo ang pumili ng profile.
Para i-set ang alti-baro na profile:
Kung naka-on ang profile ng altimeter sa pinahabang tagal ng panahon na ang device ay nasa naka-fix na lokasyon habang nagbabago ang lokal na lagay ng panahon, magbibigay ng mga hindi tamang reading ng altitude ang device.
Kung ginagamit mo ang profile na altimeter at madalas magbago ang lagay ng panahon habang paakyat ka sa altitude o pababa sa altitude, bibigyan ka ng device ng mga hindi tamang reading.
Kung ginagamit mo ang profile na borometer sa pinahabang tagal ng panahon habang umaakyat ka sa altitude o bumababa sa altitude, ipinapalagay ng device na hindi ka gumagalaw at pinapakahulugan ang iyong mga pagbabago sa altitude bilang mga pagbabago sa air pressure sa sea level. Kung gayon, bibigyan ka nito ng hindi tamang mga reading ng air pressure sa sea level.
Kinakalkula ng altimeter na profile ang altitude batay sa mga batayang value. Ang batayang value ay maaaring sea level air pressure o altitude. Kapag ang Altimeter na profile ay naka-activate, ang icon ng altimeter ay ipinapakita sa itaas ng display ng alti-baro.
Pinapakita ng barometer na profile ang kasalukuyang air pressure sa sea level. Base ito sa mga batayang value at sa palaging sinusukat na ganap na air pressure.
Kapag ang barometer na profile ay naka-activate, ang icon ng barometer ay ipinapakita sa display.
Ang awtomatiko na profile ay nagpapalit-palit sa pagitan ng altimeter at barometer na mga profile ayon sa mga galaw mo.
Hindi posibleng sukatin ang pagbabago sa lagay ng panahon at altitude nang sabay, dahil kapwang nagdudulot ng pagbabago ang mga ito sa pressure ng hangin. Suunto Traverse Alpha ay nakakaramdam ng paakyat na kilos at lumilipat ito sa pagsukat ng altitude, kung kinakailangan. Kapag ipinapakita ang altitude, ina-update ito nang may maximum delay na 10 segundo.
Kung hindi nagbabago ang iyong altitude (wala pang 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 12 minuto), nababasa ng Suunto Traverse Alpha ang lahat ng pagbabago sa pressure habang nagbabago ang lagay ng panahon. Ang pagitan ng mga pagsukat ay 10 segundo. Ang reading ng altitude ay nananatiling di-nagbabago at kung magbabago ang lagay ng panahon, makikita mo ang mga pagbabago sa reading ng air pressure sa sea level.
Kung nagbabago ang iyong altitude (mahigit sa 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 3 minuto), nababasa ng Suunto Traverse Alpha ang lahat ng pagbabago sa pressure bilang pagbabago sa altitude.
Depende sa kung anong profile ang gumagana, maa-access mo ang altimeter o barometer sa display na alti-baro gamit ang
.Kapag ginagamit mo ang profile na awtomatiko, ang mga icon na barometer o altimeter ay hindi ipapakita sa display na alti-baro.