Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Traverse Alpha Gabay sa User - 2.1

Compass

Suunto Traverse Alpha ay may digital na compass na nagbibigay sa iyo ng kakayahang malaman kung nasaan ang magnetic north. Ang tilt-compensated na compass ay nagbibigay sa iyo ng mga tumpak na resulta kahit na hindi ganap na nakapahalang ang compass.

Maaari mong ipakita/itago ang display ng compass mula sa start menu sa ilalim ng DISPLAYS (MGA DISPLAY) » Compass (Compass).

Kasama sa default na display ng compass ang sumusunod na impormasyon:

  • gitnang row: heading ng compass sa degrees
  • ibabang row: pindutin ang VIEW upang makita ang kasalukuyang oras, cardinal na direksyon o blangko (walang value)

compass Traverse

Maaari mong baguhin ang impormasyon sa display ng compass mula sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng General (Pangkalahatan) » Formats (Mga Format) » Compass unit (Unit ng compass). Piliin kung alin ang pangunahing value sa gitna ng display ng compass: mga degree, Mil o cardinal.

Lilipat ang compass sa power saving mode pagkalipas ng isang minuto. Muli itong i-activate sa pamamagitan ng START.

Pagka-calibrate sa compass

Kung hindi mo pa nagagamit dati ang compass, kailangan mo muna itong i-calibrate. Ikutin at ikiling ang relo sa iba-ibang direksyon hanggang sa mag-beep ito, na nagsasabing tapos na ang pagka-calibrate.

calibrating compass

Kung matagumpay ang pagka-calibrate, ang salitang Calibration successful (Tagumpay ang pagka-calibrate) ay ipapakita. Kung hindi matagumpay ang pagka-calibrate, ang salitang Calibration failed (Hindi matagumpay ang pagka-calibrate) ay ipapakita. Upang muling subukan ang pag-calibrate, pindutin ang START.

Kung nai-calibrate mo na ang compass at gusto mong muli itong i-calibrate, maaari mong manu-manong simulan ang proseso ng pag-calibrate.

Upang manu-manong masimulan ang pagka-calibrate sa compass:

  1. Pindutin nang matagal ang NEXT upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa NAVIGATION (PAG-NAVIGATE) gamit ang START at pumasok gamit ang NEXT.
  3. Mag-scroll sa Settings (Mga Setting) gamit ang LIGHT at piliin gamit ang NEXT.
  4. Mag-scroll sa Compass (Compass) gamit ang LIGHT at piliin gamit ang NEXT.
  5. Pindutin ang NEXT upang piliin ang Calibration (Pagka-calibrate).

Pagse-set ng deklinasyon

Upang matiyak ang tamang reading ng compass, mag-set ng tumpak na value ng deklinasyon.

Ang mga mapang papel ay nakaturo sa totoong hilaga. Ang mga compass naman ay nakaturo sa magnetic na hilaga – isang rehiyon sa itaas ng Mundo kung saan humihila ang mga magnetic field ng Mundo. Dahil wala sa parehong lokasyon ang magnetic na Hilaga at totoong Hilaga, dapat mong i-set ang value ng deklinasyon sa iyong compass. Ang anggulo sa pagitan ng magnetic at totoong hilaga ay ang iyong value ng deklinasyon.

Lumilitaw ang value ng deklinasyon sa karamihan ng mga mapa. Nagbabago taun-taon ang lokasyon ng magnetic na Hilaga, kaya ang pinakatumpak at napapanahong value ng deklinasyon ay maaaring makuha sa internet (halimbawa sa www.magnetic-declination.com).

Gayunman, ang mga orienteering map ay iginuguhit kaugnay ng magnetic na hilaga. Ang ibig sabihin nito ay kapag gumagamit ka ng mga orienteering map kailangan mong i-off ang pagtatama sa value ng deklinasyon sa pamamagitan ng pagse-set sa value ng deklinasyon sa 0 degrees.

Upang i-set ang value ng deklinasyon:

  1. Pindutin nang matagal ang NEXT upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa NAVIGATION (NAVIGATION) gamit ang START at pumasok gamit ang NEXT.
  3. Mag-scroll sa Settings (Mga Setting) gamit ang LIGHT at piliin gamit ang NEXT.
  4. Mag-scroll sa Compass (Compass) gamit ang LIGHT at piliin gamit ang NEXT.
  5. Mag-scroll sa Declination (Deklinasyon) gamit ang LIGHT at piliin gamit ang NEXT.
  6. I-off ang deklinasyon sa pamamagitan ng pagpili sa -- (–), o piliin ang W (W) (west o kanluran) o E (E) (east o silangan). I-set ang value ng deklinasyon gamit ang START o LIGHT.

setting declination Traverse

  1. Pindutin ang NEXT upang tanggapin ang setting.
TIP:

Maaari mo ring puntahan ang navigation menu at ang mga setting ng compass sa pamamagitan ng pagpindot sa START habang nagna-navigate.

Pagse-set ng bearing lock

Maaari mong markahan ang direksyon tungo sa iyong target na kaugnay ng Hilaga gamit ang bearing lock na feature.

Upang mag-lock ng bearing:

  1. Kapag aktibo ang compass, hawakan ang relo sa iyong harapan at umikot papunta sa target mo.
  2. Pindutin ang BACK LAP upang i-lock ang kasalukuyang degree na ipinapakita sa relo bilang bearing mo.
  3. Sinasabi ng tatsulok na walang laman ang naka-lock na bearing, alinsunod sa indicator ng Hilaga (solid na tatsulok).
  4. Pindutin ang BACK LAP para i-clear ang bearing lock.

setting bearing lock Traverse

PAALALA:

Kapag ginagamit ang compass habang nagre-record ng isang aktibidad, ang BACK LAP button ay magla-lock lang at iki-clear nito ang bearing. Lumabas mula sa compass view para makapag-lap gamit ang BACK LAP.

Table of Content