Ang FusedAlti
Bilang default, sinusukat ang altitude gamit ang FusedAlti sa panahon ng mga pagre-record na gumagamit ng GPS at sa panahon ng pag-navigate. Kapag naka-off ang GPS, ang altitude ay sinusukat gamit ang barometric sensor.
Kung hindi mo gustong gamitin ang FusedAlti sa pagsusukat ng altitude, i-set ang iyong pagbabatayang value sa altitude o sea level pressure.
Maaari kang maghanap ng bagong batayang value sa FusedAlti sa pamamagitan ng pag-a-activate dito sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng ALTI-BARO (ALTI-BARO) » Reference (Pagbabatayan) » FusedAlti.
Sa magagandang kondisyon, gumugugol ang FusedAlti ng 4-12 minuto upang makakuha ng pagbabatayang value. Sa panahong iyon, ipinapakita ng Suunto Traverse Alpha ang barometric altitude gamit ang '~' bago ang reading upang ipahiwatig na maaaring mali ang altitude.