Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Traverse Alpha Gabay sa User - 2.1

Pagcha-charge ng baterya

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay nakabatay sa kung paano ginagamit ang Suunto Traverse Alpha. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.

PAALALA:

Kung sakaling may hindi normal na pagbaba sa kakayahan dahil sa may depektong baterya, sinasaklaw ng warranty ng Suunto ang pagpapalit sa baterya sa loob ng 1 taon o para sa maximum ng 300 beses na pagcha-charge, alinman ang mauna.

Ang icon na bateya ay nagsasaad sa lebel ng karga ng baterya. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 10%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang 30 segundo. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 2%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang tuloy-tuloy.

charge level indicator

Kapag napakababa na ng antas ng baterya habang nagre-record, titigil ang relo at mase-save ang pagre-record. Maaari pa ring magpakita ng oras ang relo, ngunit naka-deactivate ang mga button.

I-charge ang baterya sa pamamagitan ng pagkakabit nito sa iyong computer gamit ang kasamang USB cable, o i-charge gamit ang USB-compatible na wall charger. Aabutin nang humigit-kumulang 2-3 oras para ganap na mai-charge ang bateryang walang karga.

TIP:

Maaari mong baguhin ang GPS fix interval habang nagre-record upang makatipid sa baterya. Tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya.

Table of Content