Ang FusedAlti
Bilang default, sinusukat ang altitude gamit ang FusedAlti sa mga pag-e-ehersisyo na gumagamit ng GPS at habang nagna-navigate. Kapag naka-off ang GPS, ang altitude ay sinusukat gamit ang barometric sensor.
Kapag ang device ay nasa time mode, makakahanap ka ng bagong reference para sa barometric na altitude gamit ang FusedAlti. Ina-activate nito ang GPS sa maximum na 15 minuto.
Upang humanap ng bagong reference value ng altitude gamit ang FusedAlti:
Sa mga maayos na kondisyon, inaabot ng 4 – 12 minuto para ma-activate ang FusedAlti. Sa panahong iyon, ipinapakita ng Suunto Ambit3 Vertical ang barometric altitude at ang ~ ay ipinapakita kasama ng sukat ng altitude upang ipahiwatig na maaaring mali ang altitude.