Mga Notipikasyon
Kung na-pair mo na ang iyong Suunto Ambit3 Vertical sa Suunto Movescount App (tingnan ang Suunto app), maaari kang tumanggap ng mga tawag, mensahe at push notification sa relo.
Upang makakuha ng mga notipikasyon sa iyong relo:
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang Light Lock upang mag-scroll sa CONNECTIVITY (CONNECTIVITY) at pindutin ang Next.
- Pindutin ang Light Lock upang mag-scroll sa Settings (Mga Setting) at pindutin ang Next.
- Pindutin ang Light Lock upang mag-scroll sa Notifications (Mga Notipikasyon) at pindutin ang Next.
- Magpapalit-palit sa naka-on/naka-off gamit ang Light Lock at pindutin ang Next.
- Lumabas sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa Next.
Kapag naka-on ang mga notipikasyon, ang iyong Suunto Ambit3 Vertical ay maghahatid ng alertong may tunog at magpapakita ito ng icon ng notipikasyon sa ibabang row, kasama ang bawat bagong event.
Upang tingnan ang mga notipikasyon sa iyong relo:
- Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
- Mag-scroll papunta sa NOTIFICATIONS (MGA NOTIPIKASYON) gamit ang Light Lock at pumili gamit ang Next.
- Mag-scroll sa mga notipikasyon gamit ang Start Stop o ang Light Lock.
Hanggang 10 notipikasyon ang maaaring ilista. Mananatili ang mga notipikasyon sa iyong relo hanggang sa alisin mo ang mga ito sa mobile device mo. Ngunit, ang mga notipikasyong mas matagal na sa isang araw ay hindi na makikita sa relo.