Mga Display
May kasamang ilang iba't ibang feature ang Suunto Ambit3 Vertical mo, gaya ng compass (tingnan ang Compass) at stopwatch (tingnan ang Stopwatch), na tinuturing bilang mga display na maaaring makita sa pamamagitan ng pagpindot sa Next. Ang ilan sa mga ito ay permanente, at ang iba naman ay maaari mong ipakita o itago kung gusto mo.
Upang ipakita/itago ang mga display:
- Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
- Mag-scroll sa Displays(Mga Display) gamit ang Light Lock at pindutin ang Next.
- Sa listahan ng display, i-toggle nang i-on/i-off ang anumang feature sa pamamagitan ng pag-i-scroll dito gamit ang Start Stop o Light Lock at pagpindot sa Next.
Pindutin nang matagal ang Next para lumabas sa menu ng mga display kung kailangan.
Ang mga sport mode mo (tingnan ang Mga sport mode) ay marami ring display na maaari mong i-customize upang makita ang iba't ibang impormasyon habang nag-eehersisyo ka.
Pag-adjust sa contrast ng display
Dagdagan o bawasan ang contrast ng display ng iyong Suunto Ambit3 Vertical sa mga setting ng relo.
Upang i-adjust ang contrast ng display:
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang Next para makapasok sa mga General(Pangkalahatan) na setting.
- Pindutin ang Next para makapasok sa Tones/display(Mga tone/display).
- Mag-scroll sa Display contrast(Contrast ng display) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
- Dagdagan ang contrast gamit ang Start Stop, o bawasan ito gamit ang Light Lock.
- Pindutin nang matagal ang Next upang lumabas.
Pag-i-invert sa kulay ng display
Palitan ang display sa pagitan ng madilim at maliwanag sa pamamagitan ng mga setting sa relo o sa Movescount, o sa pamamagitan lang ng paggamit sa default na View na button shortcut (tingnan ang Mga button at menu). Mapapalitan mo rin ang pangkalahatang setting sa Movescount.
Upang i-invert ang display sa mga setting ng relo:
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang Next para makapasok sa General(Pangkalahatan) na setting.
- Pindutin ang Next para makapasok sa Tones/display(Mga tone/display).
- Mag-scroll sa Invert display(I-invert ang display) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next.