Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit3 Vertical Gabay sa User - 1.2

Timer ng interval

Maaari kang magdagdag ng timer ng interval sa bawat custom na sport mode sa Movescount. Para magdagdag ng timer ng interval sa isang sport mode, piliin ang sport mode at pumunta sa Mga advanced na setting. Sa susunod na ikonekta mo ang iyong Suunto Ambit3 Vertical sa iyong Movescount account, ang timer ng interval ay isi-synchronize sa relo.

Maaari mong tukuyin ang sumusunod na impormasyon sa timer ng interval:

  • mga uri ng interval (high(mataas) at low(mababa) na interval)
  • ang tagal o distansya ng parehong uri ng interval
  • bilang ng beses na inulit ang mga interval
PAALALA:

Kung hindi mo nai-set ang mga bilang ng pag-ulit para sa mga interval sa Movescount, ang timer ng interval ay magpapatuloy hanggang nakaulit na ito ng 99 na beses.

Maaari kang magtakda ng timer ng interval para sa bawat sport na kasama sa multisport mode (tingnan ang Paggamit sa multisport mode). Magsisimulang muli ang timer ng interval kapag nag-iba ang sport.

Upang i-activate/i-deactivate ang timer ng interval:

  1. Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa activate(I-activate) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Interval(Interval) gamit ang Start Stop at piliin gamit ang Next.
  4. Pindutin ang Start Stop o Light Lock para i-set ang timer ng interval sa On/Off(Naka-on/Naka-off) at i-accept gamit ang Next. Kapag aktibo ang timer ng interval, ipinapakita ang icon ng interval sa itaas ng display.

activating interval timer

Table of Content