Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit3 Vertical Gabay sa User - 1.2

Pag-recover

Ang iyong Suunto Ambit3 Vertical ay may dalawang pantukoy upang masunod ang pangangailangan mong maka-recover pagkatapos ng pagsasanay: tagal ng pag-recover at status ng pag-recover.

Tagal ng pag-recover

Ang tagal ng pag-recover ay isang tantiyadong oras kung gaano katagal kailangang makabawi ng iyong katawan pagkatapos ng pagsasanay. Ang oras ay batay sa tagal at tindi ng pagsasanay, pati na rin sa iyong pangkalahatang kapaguran.

Ang tagal ng pag-recover ay kinukuha mula sa lahat ng uri ng ehersisyo. Sa madaling salita, nadadagdagan ang pangangailangan mong mag-recover sa matatagal, magagaan na pagsasanay, pati na rin sa matitinding pagsasanay.

Ang oras ay pinagsasama-sama mula sa lahat ng pagsasanay, kaya kung ikaw ay magsanay ulit bago matapos ang oras, ang bagong oras na naipon ay isasama sa nalalabing oras mula sa iyong nakaraang pagsasanay.

Ang bilang ng oras na naipon mo para sa isang naturang panahon ng pagsasanay ay makikita sa buod sa katapusan ng sesyon.

Ang kabuuang dami ng oras ng pag-recover na natitira sa iyo ay ipinapakita bilang isang view sa display ng pagsubaybay sa aktibidad (tingnan ang Pagsubaybay sa aktibidad).

Dahil pagtatantiya lamang ang tagal ng pag-recover, ang pinagsama-samang mga oras ay binibilang sa patas na bilis anuman ang antas ng iyong fitness o iba pang indibidwal na salik. Kung napakaayos ng lagay ng iyong pangangatawan, maaaring mas mabilis ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya. Sa kabilang panig, kung may sakit ka halimbawa, maaaring mas mabagal ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya.

Upang makakuha ng tumpak na indikasyon ng iyong aktwal na lagay sa pag-recover, inirerekomenda namin ang paggamit sa isa sa mga test sa pag-recover (tingnan ang Status ng pag-recover).

Status ng pag-recover

Ipinapakita ng status sa pag-recover ang antas ng stress sa iyong autonomous nervous system. Kung mas kakaunti ang stress mo, mas naka-recover ka na. Kapag alam mo ang lagay ng iyong pag-recover, nakakatulong ito na masulit mo ang iyong pagsasanay at maiwasan ang labis na pagsasanay at pinsala sa katawan

Maaari mong makita ang status ng iyong pag-recover sa pamamagitan ng mabilis na test sa pag-recover o test sa pag-recover matapos matulog, na pinagagana ng Firstbeat. Ang mga test ay nangangailangan ng heart rate sensor na may-Bluetooth na sumusukat sa pagkakaiba sa bilis ng tibok ng puso (R-R interval), gaya ng Suunto Smart Sensor.

Ipapakita ang status ng iyong pag-recover sa pamamagitan ng iskala ng resulta mula 0-100% gaya ng ipinaliliwanag sa talahanayan sa ibaba.

ResultaPaliwanag
81-100Ganap na naka-recover. OK sumailalim sa napaktinding pagsasanay.
51-80Naka-recover na. OK sumailalim sa matinding pagsasanay.
21-50Nagre-recover. Huwag masyadong magpagod sa pagsasanay.
0-20Hindi pa nakaka-recover. Magpahinga upang maka-recover.
PAALALA:

Ang mga value na mas mababa sa 50% na sinukat sa ilang magkakasunod na araw ay nagpapakita ng mas mataas na pangangailangan sa pagpapahinga.

Test sa pagka-calibrate

Kailangang ma-calibrate ang parehong test sa pagtulong at mabilisang test upang makapagbigay ng mga tumpak na resulta.

Tinutukoy ng mga test sa pagka-calibrate kung ano ang ibig sabihin ng 'ganap na naka-recover' para sa iyong katawan. Sa bawat test sa pagka-calibrate, ina-adjust ng iyong relo ang iskala ng mga resulta ng test upang tumugma sa iyong natatanging pagkakaiba-iba ng tibok ng iyong puso.

Kailangan mong magsagawa ng tatlong test sa pagka-calibrate para sa parehong test. Kailangang isagawa ang mga ito kapag wala kang naipong oras ng pagre-recover. Pinakamainam kapag ang pakiramdam mo ay ganap ka nang naka-recover o walang sakit o hindi stressed sa panahon ng mga test na ito sa pagka-calibrate.

Sa panahon ng pagka-calibrate, maaari kang makakuha ng resulta na mas mataas o mas mababa kaysa sa inaasahan. Ang mga resultang ito ay makikita sa relo bilang iyong tantiyadong lagay ng pag-recover hanggang sa matapos ang pagka-calibrate.

Kapag natapos mo na ang pagka-calibrate, ang pinakabagong resulta ay ipapakita kapag pumasok ka sa logbook sa halip na sa tagal ng pag-recover.

Mabilis na test sa pag-recover

Ang mabilis na test sa pag-recover, na pinagagana na Firstbeat, ay isang alternatibong paraan upang sukatin ang lagay ng iyong pag-recover. Ang test sa pag-recover matapos matulog ay isang mas tumpak na pamamaraan upang masukat ang lagay ng iyong pag-recover. Ngunit para sa ilang indibidwal, ang pagsusuot sa heart sensor sa buong gabi ay maaaring hindi magagawa.

Ilang minuto lang ang itatagal ng mabilis na teset sa pag-recover. Para sa pinakamainam na mga resulta, kailangan mong humigo, mag-relax, at huwag gumalaw sa panahon ng test.

Inirerekomenda naming isagawa ang teste sa umaga pagkagising. Natitiyak nito na makakakuha ka ng mga maipaghahambing na resulta sa araw-araw.

Kailangan mong magsagawa ng tatlong test habang maayos ang pakiramdam mo at walang oras makabawi upang ma-calibrate ang algoritmo ng test.

Ang mga test sa pagka-calibrate ay hindi kailangang isagawa nang sunod-sunod ngunit kailangan 12 oras ang agwat ng mga ito sa isa't-isa.

Sa panahon ng pagka-calibrate na ito, maaari kang makakuha ng resulta na mas mataas o mas mababa kaysa sa inaasahan. Ang mga resultang ito ay makikita sa relo bilang iyong tantiyadong lagay ng pag-recover hanggang sa matapos ang pagka-calibrate.

Upang maisagawa ang test sa pag-recover matapos matulog:

  1. Isuot ang iyong heart rate belt at tiyaking mamasa-masa ang mga electrode.
  2. Humiga at mag-relax sa isang tahimik na lugar na walang mga istorbo.
  3. Pindutin ang Start Stop, mag-scroll sa RECOVERY (PAG-RECOVER) gamit ang Start Stop, at piliin sa pamamagitan ng Next.
  4. Mag-scroll sa Quick test (Mabilis na test) at piliin gamit ang Next.
  5. Hintaying matapos ang teset. quick recovery test ongoing

Kapag tapos na ang test, mag-scroll sa mga resulta gamit ang Next at ang Back Lap.quick recovery test result

Kapag ang pinakamababang tibok ng puso sa panahon ng test ay mas mababa sa tibok ng iyong puso kapag nagpapahinga gaya ng tinutukoy sa Movescount, na-update na ang tibok ng iyong puso habang nagpapahinga sa susunod na mag-sync ka sa Movescount.

PAALALA:

Hindi maaapektuhan ng mga resulta ng test na ito ang iyong pinagsama-samang tagal ng pag-recover.

Test sa pag-recover matapos ang pagtulog

Ang test sa pag-recover matapos ang pagtulog na pinagagana ng Firstbeat ay isang maaasahang pantukoy ng lagay ng iyong pagginhawa matapos ng magdamag na pagtulog.

Kailangan mong magsagawa ng tatlong test habang maayos ang pakiramdam mo at walang oras makabawi upang ma-calibrate ang algoritmo ng test.

Hindi kailangang sunod-sunod ang pagsasagawa sa mga calibration test.

Sa panahon ng pagka-calibrate, maaari kang makakuha ng resulta na mas mataas o mas mababa kaysa sa inaasahan. Ang mga resultang ito ay makikita sa relo bilang iyong tantiyadong lagay ng pag-recover hanggang sa matapos ang pagka-calibrate.

Upang maisagawa ang test sa paggbawi matapos ang pagtulog:

  1. Isuot ang iyong heart rate belt at tiyaking mamasa-masa ang mga electrode.
  2. Pindutin ang Start Stop, mag-scroll sa RECOVERY gamit ang Start Stop, at piliin sa pamamagitan ng Next.
  3. Mag-scroll sa Sleep test (Test sa pagtulog) at piliin gamit ang Next.
  4. Kung gusto mong kanselahin ang test, pindutin ang Back Lap.
  5. Kapag handa ka nang bumangon sa umaga, tapusin ang test sa pamamagitan ng pagpindot sa Start Stop o sa Next.

Kapag tapos na ang test, mag-scroll sa mga resulta gamit ang Next at ang Back Lap.

sleep recovery test results

PAALALA:

Kailangan ng test sa paggbawi matapos ang pagtulog ang hindi bababa sa dalawang oras ng magandang data sa pagtibok ng puso upang makakuha ng mga resulta. Hindi maaapektuhan ng mga resulta ng test na ito ang iyong pinagsama-samang tagal ng pag=recover.

Table of Content