Maaari mong gamitin ang Suunto Ambit3 Vertical para sa multisport na pagsasanay, at madaling makakalipat sa pagitan ng magkakaibang sport mode (tingnan ang Mga sport mode) habang nag-eehersisyo at tumitingin ng data na partikular sa sport sa panahon ng iyong pag-eehersisyo at sa buod ng log.
Maaari mong palitan ang sport nang manu-mano sa panahon ng pag-eehersisyo, o gumawa ng multisport mode upang magpalit ng mga sport sa isang partikular na kaayusan gaya ng para sa triathlon.
Suunto Ambit3 Vertical ay nagpapahintulot sa iyo na lumipat sa ibang sport mode sa panahon ng pag-eehersisyo nang hindi kailangang huminto sa pagre-record. Lahat ng mga nagamit mong sport mode sa panahon ng ehersisyo ay kasama sa log.
Para manu-manong mailipat sa mga sport mode sa panahon ng pag-eehersiyo:
Suunto Ambit3 Vertical ay gumagawa ng lap tuwing lumilipat ka sa ibang sport mode.
Hindi ipino-pause ang pagre-record ng log kapag lumipat ka sa ibang sport mode. Maaari mong i-pause ang pagre-record sa pamamagitan ng pagpindot sa
.Maaari kang gumawa ng sarili mong multisport mode o gumamit ng umiiral na default na sport mode gaya ng Triathlon(Triathlon). Ang multisport mode ay maaaring binubuo ng ilang magkakaibang sport mode sa partikular na pagkakasunod-sunod. Maaari ring may kani-kaniyang timer ng interval ang bawat sport.
Upang magamit ang multisport mode: