Mga Ruta
Maaari kang gumawa ng ruta sa Movescount, o mag-import ng rutang ginawa sa ibang serbisyo.
Para magdagdag ng ruta:
- Pumunta sa www.movescount.com at mag-log in.
- I-sync ang iyong Suunto Ambit3 Vertical sa Movescount gamit ang Suuntolink at ang ibinigay na USB cable.
Maaari ding i-delete ang mga ruta sa pamamagitan ng Movescount.
Pagna-navigate sa isang ruta
Mana-navigate mo ang isang ruta na nailipat mo sa iyong Suunto Ambit3 Vertical mula sa Suunto Movescount o ang isang track na naka-save sa iyong logbook.
Kung gagamitin mo ang compass sa unang pagkakataon, kailangan mo itong i-calibrate (tingnan ang Pagka-calibrate sa compass). Pakatapos i-activate ang compass, magsisimulang maghanap ang relo ng GPS signal. Pagkatapos makasagap ng GPS signal, makakapagsimula ka nang mag-navigate sa isang ruta.
Para mag-navigate sa isang ruta:
- Pindutin ang Start upang makapasok sa start menu.
- Mag-scroll papunta sa NAVIGATION (NAVIGATION) gamit ang Start Stop at pindutin ang Next.
- Pindutin ang Next upang makapasok sa Routes (Mga Ruta).
- Mag-scroll papunta sa ruta na gusto mong i-navigate gamit ang Start Stop o ang Light Lock at pindutin ang Next.
- Pindutin ang NEXT upang piliin ang Navigate (Mag-navigate).
Naka-record ang lahat ng pagna-navigate. Kung may higit sa isang sport mode ang iyong relo, ipo-prompt ka na pumili ng isa.
- Piliin ang Forwards (Pasulong) o Backwards (Pabalik) upang piliin ang direksyon na gusto mong i-navigate (mula sa unang waypoint o sa huli).
- Simulan ang pagna-navigate. Aabisuhan ka ng relo kapag papalapit ka na sa simula ng ruta.
- Aabisuhan ka ng relo kapag nakarating ka na sa destinasyon mo.
Sa panahon ng nabigasyon
Habang nagna-navigate, pindutin ang View upang mag-scroll sa mga sumusunod na view:
- View ng buong track na nagpapakita sa buong ruta
- Naka-zoom in na view ng ruta: bilang default, ang naka-zoom in na view ay nasa sukat na 100 m (0.06 mi), ngunit maaaring mas malaki ito kung malayo ka sa ruta.
Maaari mong baguhin ang oryentasyon ng mapa ng naka-zoom in na view sa mga setting ng relos sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Map (Mapa). Ang mga opsyon ay:
- Heading up (Patungo sa itaas): Ipinapakita ang track nang nakaturo ang iyong patutunguhan paitaas.
- North up (Pataas sa hilaga): Ipinapakita ang track nang nakaturo paitaas sa hilaga.
- Paakyat na View ng profile
View ng buong track
Ipinapakita sa iyo ng view ng buong track ang sumusunod na impormasyon:
- (1) arrow na tumutukoy sa iyong lokasyon at nakaturo sa direksyon na pinupuntahan mo.
- (2) ang susunod na waypoint sa ruta
- (3) ang una at huling waypoint sa ruta
- (4) Ang pinakamalapit na POI ay ipinapakita bilang isang icon.
- (5) sukat kung saan ipinapakita ang view ng buong track
PAALALA:
Sa view ng buong track, ang hilaga ay laging paitaas.
View ng altitude profile
Ipinapakita sa iyo ng view ng altitude profile ang sumusunod na impormasyon:
- Kabuuang pag-akyat
- Real-time na profile na may tuldok-tuldok na patayong guhit na nagpapakita ng kasalukuyang posisyon.
- Natitirang pag-akyat