Pagna-navigate gamit ang GPS

Suunto Ambit3 Vertical Gabay ng Gumagamit - 1.0

Pagna-navigate gamit ang GPS

Pagna-navigate gamit ang GPS

Suunto Ambit3 Vertical ay gumagamit ng Global Positioning System (GPS) upang matukoy ang kasalukuyan mong lokasyon. Ginagamit ng GPS ang mga satellite na umiikot sa Lupa na may altitude na 20,000 km sa bilis na 4 km/s.

Ang kasamang GPS receiver sa Suunto Ambit3 Vertical ay pinahusay para gamitin sa pulsuhan at tumatanggap ito ng data mula sa napakalawak na anggulo.

Pagkuha ng GPS signal

Awtomatikong pinagagana ng Suunto Ambit3 Vertical ang GPS kapag pumili ka ng sport mode na may GPS function, inalam mo ang iyong lokasyon, o nagsimula kang magnabiga.

GPS signal strength Ambit3

PAALALA:

Kapag ina-activate mo ang GPS sa unang pagkakataon, o hindi ito ginamit nang matagal na panahon, maaaring mas matagalan ito kaysa dati upang makakuha ng GPS fix. Ang mga susunod na pagpapaandar sa GPS ay mas bibilis na.

TIP:

Para mapaikli ang oras sa pagsisimula ng GPS, hawakan nang nakapirme ang relo nang nakatihaya ang GPS at tiyakin na ikaw ay nasa bukas na lugar para nakikita ng relo nang malinaw ang kalangitan.

TIP:

Regular na i-synchronize ang iyong Suunto Ambit3 Vertical sa Movescount para makuha ang pinakabagong orbit data ng satellite. Binabawasan nito ang panahon na kinakailangan upang makuha ang pang-ayos ng GPS at pinahuhusay ang katumpakan ng pagsubaybay.

Pagtu-troubleshoot: Walang GPS signal

  • Para sa pinakamalakas na signal, ituro ang bahaging GPS ng relo nang paitaas. Ang pinakamagandang signal ay nakukuha sa bukas na lugar na nakikita nang malinaw ang kalangitan.
  • Ang GPS receiver ay karaniwang gumagana nang mabuti sa loob ng mga tent at iba pang maninipis na tabing. Subalit, ang mga bagay, gusali, masukal na kagubatan o maulap na lagay ng panahon ay nakababawas sa kalidad ng pagtanggap ng GPS signal.
  • Ang GPS signal ay hindi tumatagos sa matitigas na istraktura o sa tubig. Kaya, huwag susubukang paganahin ang GPS sa loob ng mga gusali, kuweba o sa ilalim ng tubig.

Mga GPS grid at format ng posisyon

Ang mga grid ay mga guhit sa isang mapa na tumutukoy sa coordinate system na ginamit sa mapa.

Ang format ng posisyon ay ang paraan kung paano ipinapakita ang posisyon ng GPS receiver sa relo. Lahat ng format ay tumutukoy sa iisang lokasyon, magkakaiba lang ang paraan ng pagpapakita nito. Mapapalitan mo ang format ng posisyon sa mga setting ng relo sa ilalim ng General(Pangkalahatan) » Format(Format) » Position format(Format ng posisyon).

Mapipili mo ang format mula sa mga sumusunod na grid:

  • ang latitude/longitude ay ang pinakakaraniwang ginagamit na grid at mayroon itong tatlong magkakaibang format:
    • WGS84 Hd.d°(WGS84 Hd.d°)
    • WGS84 Hd°m.m'(WGS84 Hd°m.m')
    • WGS84 Hd°m's.s(WGS84 Hd°m's.s)
  • UTM(UTM) (Universal Transverse Mercator) ay nagbibigay ng presentasyong pahalang na may dalawang dimensyon.
  • MGRS(MGRS) (Military Grid Reference System) ay karugtong ng UTM at nagtataglay ng isang grid zone designator, 100,000-meter square na identifier at isang numerical na lokasyon.

Suunto Ambit3 Vertical sinusuportahan din nito ang mga sumusunod na lokal na grid:

  • British (BNG) ( British (BNG) )
  • Finnish (ETRS-TM35FIN)(Finnish (ETRS-TM35FIN))
  • Finnish (KKJ) (Finnish (KKJ) )
  • Irish (IG)(Irish (IG))
  • Swedish (RT90)(Swedish (RT90))
  • Swiss (CH1903) (Swiss (CH1903) )
  • UTM NAD27 Alaska(UTM NAD27 Alaska)
  • UTM NAD27 Conus (UTM NAD27 Conus )
  • UTM NAD83(UTM NAD83)
  • NZTM2000 (NZTM2000 ) (New Zealand)
PAALALA:

Ang ilang grid ay hindi magagamit sa mga lugar sa hilaga ng 84°N at timog ng 80°S, o sa labas ng mga bansang pinagtatakdaan ng mga ito.

Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya

Kapag kino-customize sa pangangailangan ang mga sport mode, maaari mong tukuyin ang interval ng GPS fix gamit ang setting ng katumpakan ng GPS sa Movescount. Kung mas maigsi ang interval, mas mabuti ang katumpakan kapag nag-eehersisyo.

Sa pagpapataas ng interval at pagpapababa ng katumpakan, maaari mong pahabain ang buhay ng baterya.

Ang mga opsyon sa katumpakan ng GPS ay:

  • Pinakamabuti: ~ 1 seg na fix interval, pinakamataas sa pagkonsumo ng baterya
  • Mabuti: ~ 5 seg na fix interval, katamtaman sa pagkonsumo ng baterya
  • OK: ~ 60 seg na fix interval, pinakamababa sa pagkonsumo ng baterya
  • Off: walang GPS fix